March 23, 2013 at 10:20 pm (dyanster) (, , , , , , )

OH NOESSSSSSSSImage

VUHKETTT?? WACHAPENED???

lol hala ok seryoso na.

After 9 months nagbabalik ako. Kung siguro preggy ako nung umalis, nanganak na siguro ako haha pero hindi nga nagulat ako nung na-check ko ung formpsring. Kalungkot lang. Masaya namang gamitin, natalo siguro nung..ano nga ba yun, ask.fm? Sa formspring ko ako pinakamadali ma-reach kapag may tanong tungkol sa azkals.

ahhh those were the days.

Yun yung panahong ang dami kong alam sa azkals. Kaso kinain na ako ng trabaho, obligasyon at katamaran kaya ang pagba-blog ay naiwanan sandali. Magtatatlong taon na pala ‘to ng hindi ko namamalayan. Nakakatuwa naman na kahit papaano may bumibisita kahit 1 o 2 sa isang araw. Ayus na yun, ako nga hindi ko mabisita eh hehe

So anong ganap?

Wala namang pangyayaring kakaiba, ganon pa rin. Sa madaling salita, bored na ako. Pare-pareho na lang ginagawa ko sa araw-araw. Gigising ng alas-syete,pasok sa trabaho, kain ng tanghalian, tulog (o internet, may 4 hours kaming break), trabaho ulit hanggang alas syete ng gabi, uwi ng bahay, nuod ng series, tulog. Repeat until fade. Ganyan ka-boring ang life ni Dyanster at magli-limang taon ko na yang ginagawa. Tinatamad na talaga ako.

Uwi ba akong Pinas? Anong gagawin ko dun, wala namang trabaho para sa akin dahil..ehem nirarayuma na ako lol De..”bata” pa naman ako eh pero sa edad ko hirap na kaagad maghanap kung sa Pinas maghahanap ng work kasi mas preferred nila ang bata dahil “hindi pa marunong magreklamo tungkol sa sweldo etc.”

Malakas ang piso, nahihirapan na kaming mga OFW na makapagpadala. Dati magpadala lang ako ng BHD 100 every month (Php10K+) ok na. Ngayon, kelangan na naming i-cut down ang ibang necessities para makabuo ng Php 10K na ipapadala. Ung dating 100 BHD, nasa 110-120 BHD na. Malaki na ung BHD 20 ha, sa aming mga OFW, pangkain na namin un ng 2 weeks. De-lata diet ganon. 

Ang nakakainis lang, ke mapa-Pinas o andito sa abroad, pareho lang. Pareho lang ang hirap ng buhay. Malakas nga ang piso, hindi naman ramdam ng mga nasa Pinas kasi “nakuha” na ng mga nasa taas. Ng mga buwaya este basta yung mga nakakuha. Kaya hay naku ah ewan.

Anyways, wala namang katuturan tong mga pinagtatype ko, frustrated lang kasi wala akong maisip na bagong direksyon (except One Direction lol FCK OFF fan ako haha) Ibig kong sabihin nasa process ako ng pag-iisip kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.

Balitaan ko na lang ulit kayo kung anong mangyayari.

OKTNXBYE.

Advertisements

Permalink 2 Comments