March 23, 2013 at 10:20 pm (dyanster) (, , , , , , )

OH NOESSSSSSSSImage

VUHKETTT?? WACHAPENED???

lol hala ok seryoso na.

After 9 months nagbabalik ako. Kung siguro preggy ako nung umalis, nanganak na siguro ako haha pero hindi nga nagulat ako nung na-check ko ung formpsring. Kalungkot lang. Masaya namang gamitin, natalo siguro nung..ano nga ba yun, ask.fm? Sa formspring ko ako pinakamadali ma-reach kapag may tanong tungkol sa azkals.

ahhh those were the days.

Yun yung panahong ang dami kong alam sa azkals. Kaso kinain na ako ng trabaho, obligasyon at katamaran kaya ang pagba-blog ay naiwanan sandali. Magtatatlong taon na pala ‘to ng hindi ko namamalayan. Nakakatuwa naman na kahit papaano may bumibisita kahit 1 o 2 sa isang araw. Ayus na yun, ako nga hindi ko mabisita eh hehe

So anong ganap?

Wala namang pangyayaring kakaiba, ganon pa rin. Sa madaling salita, bored na ako. Pare-pareho na lang ginagawa ko sa araw-araw. Gigising ng alas-syete,pasok sa trabaho, kain ng tanghalian, tulog (o internet, may 4 hours kaming break), trabaho ulit hanggang alas syete ng gabi, uwi ng bahay, nuod ng series, tulog. Repeat until fade. Ganyan ka-boring ang life ni Dyanster at magli-limang taon ko na yang ginagawa. Tinatamad na talaga ako.

Uwi ba akong Pinas? Anong gagawin ko dun, wala namang trabaho para sa akin dahil..ehem nirarayuma na ako lol De..”bata” pa naman ako eh pero sa edad ko hirap na kaagad maghanap kung sa Pinas maghahanap ng work kasi mas preferred nila ang bata dahil “hindi pa marunong magreklamo tungkol sa sweldo etc.”

Malakas ang piso, nahihirapan na kaming mga OFW na makapagpadala. Dati magpadala lang ako ng BHD 100 every month (Php10K+) ok na. Ngayon, kelangan na naming i-cut down ang ibang necessities para makabuo ng Php 10K na ipapadala. Ung dating 100 BHD, nasa 110-120 BHD na. Malaki na ung BHD 20 ha, sa aming mga OFW, pangkain na namin un ng 2 weeks. De-lata diet ganon. 

Ang nakakainis lang, ke mapa-Pinas o andito sa abroad, pareho lang. Pareho lang ang hirap ng buhay. Malakas nga ang piso, hindi naman ramdam ng mga nasa Pinas kasi “nakuha” na ng mga nasa taas. Ng mga buwaya este basta yung mga nakakuha. Kaya hay naku ah ewan.

Anyways, wala namang katuturan tong mga pinagtatype ko, frustrated lang kasi wala akong maisip na bagong direksyon (except One Direction lol FCK OFF fan ako haha) Ibig kong sabihin nasa process ako ng pag-iisip kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.

Balitaan ko na lang ulit kayo kung anong mangyayari.

OKTNXBYE.

Advertisements

Permalink 2 Comments

ang nanay ko.

January 6, 2011 at 12:46 am (family) (, , )

birthday ng lola ko ngayon. batang bata sa edad na 78. meron pa kong 3 minuto para ihabol ang entry na’to sa mismong araw ng kapanganakan nya pero alam kong sa oras na matapos ko’to, jan 6 na. oki lang, at least nagsimula ako ng jan 5. LOL!

tinatawag namin syang “NANAY” nung maliliit pa kaming mga apo nya pero nung mga lumaki na kami at umarte, iba-iba na ang naging pangalan nya sa aming bibig. ako, tinatawag ko sya dating mader, grandma, maderskie. pero ngayon, ang mader at maderskie ay tinatawag ko na lang sa aking ina. bumalik ako sa pagtawag ko sa kanya ng “nanay”. although tinatawag syang “lola” ng mga pinsan ko (minsan LOLAI), hindi ko pa rin sya tinatawag na ganun. feeling ko kasi tumatanda ang nanay pag tinatawag syang lola.

hindi kami masyadong close ni nanay dati. nung baby pa’ko o siguro mga toddler, may mga nakikita akong pictures kasama sya na bitbit ako. nung magsimula na akong pumasok, hindi na kami masyadong close. ganito kasi yun. ako kasi, present ang pareho kong magulang habang lumalaki ako/kaming magkakapatid. lumaki kami na nakagabay talaga ang magulang namin sa’min. kumbaga, first hand ung pag-aalaga samin ng magulang namin. nun namang mga panahon na yun, anim sa mga pinsan ko ang either mader/fader/or both ay hindi present dahil nasa abroad. kay nanay silang lahat napapunta. si nanay ang nag-alaga sa kanila sa kanilang paglaki kaya bata pa lang, close na ang mga pinsan ko sa nanay namin. kami naman, ang reason ng mader ko is andami na kasing inaalagaan ni nanay kaya parang siguro, hindi na kami ini-burden ng mader namin kay nanay.

nung college na ako (at siguro medyo mature na), dun pa lang kami nagsimulang maging close ni nanay. malaki na din kaming mga apo nya kaya nung lahat kami pumapasok na at wala na syang inaalagaang bata, ung paghahalaman ang naging hobby nya. masayang masaya si nanay pag meron bagong tubong bulaklak ang orchids nya. lagi nya ung dinidiligan sa hapon. hindi pumapalya. at syempre, pag napagtripan naming maglaro na medyo extremes ng konti tulad ng volleyball, naku!! husay ka kay nanay pag nabagsakan ng bola ang orchids nya. mahal na mahal nya ung mga orchids nya. bawal ngang pumitas ng bulaklak eh,hehe

ang lola namin maganda, as in. (lola na muna gagamitin ko para relate kayo. pag sinasabe ko kasing nanay, parang tunog ina lang di ba?,hehe) sabe nga ni mader, laging kinukuhang reyna elena ang lola namin nung dalaga pa sya. ung buhok daw ng lola namin eh hanggang talampakan nung mga panahong yun. hindi ko alam kung maniniwala ba ako na ganun nga kahaba ung buhok ni lola, pero 1930’s pa sya pinanganak kaya baka posible naman. as usual, ung tipo ni nanay ang maraming manliligaw. hindi na namin naabutan ang lolo namin kasi namatay sya pagkapanganak nung bunso nila (ung tita ko). hindi ko matandaan ung lab story ni lolo’t lola. 😦 pag-uwi ko sa pinas, itatanong ko.

since maganda ang lola namin., ahm, medyo may pagka-aristokrata sya lalo na sa mga manliligaw/nililigawan ng mga apo nya. kelangan may approval ni nanay ang boy/girl pero syempre, kung gusto naman talaga ng apo nya eh hinahayaan naman nya. un nga lang, hindi nya papansinin ung manliligaw  pag dumadalaw sa apo nya..hihi ^_^ unless bibigyan mo sya ng weakness nya, ang ORCHIDS. kaya dumadami ung tanim nyang orchids kasi bigay un ng mga manliligaw/nililigawan ng mga apo nya..hehe may isa nga pala akong pinsan na lalaki, lumaki sya kay nanay. hindi ko alam kung matatawa ba ako kasi everytime na may balak syang ligawan o nililigawan nya, pinapakilala nya kay nanay. pag aprub ke nanay, itutuloy nya ang panliligaw pero pag medyo hindi patok ke nanay, ititigil na nya ang panliligaw sa girl na un..hehe tapos ung isa ko namang pinsan na babae, pinakilala nya ung boyfriend nya ke nanay, nagkataong hindi aprub. since gusto sya ng pinsan ko, hinayaan na ni nanay pero wag ka, sabi ko nga sa taas, tanggap nga ni nanay pero hindi naman pinapansin,hehe

ako, hinahanapan na nya. 😐 NBSB kasi ako. sa tanang buhay ko, wala pa akong napapakilala kay nanay. sabi ko pag nagpakilala ako, magiging asawa ko na din yun. LOLJK! XD wolo long. wala pa nanay eh. 😐 gustong gusto ko na din syang ma-meet. 😐

may sakit nanay namin nung birthday nya. T_T 😦 nilalagnat daw sabi ng pinsan ko. sabi ni tita maayos na din ang nanay nung pahapon na. buti na lang. gustong gusto ko ung pic nya na yan kahit maysakit sya. ang ganda lang ng mata ng nanay. parang kumikislap.

lab yu NANAY! sana madami pa kayong birthdays. 😀 you’re in my prayers always. hintayin nyo ung papakilala ko sa inyo (although hindi ko pa rin kilala LOLs!) dapat aprub nanay ha? hihi ^_^v labyu ulit.

Permalink 3 Comments