Showbiz Chika Minute.

January 14, 2012 at 11:49 am (#7 james younghusband) (, )

Isang madaliang chika lang.

BREAK NA DAW SI JYH at ang kanyang girlfriend???

WAHT??? WHY???

Hala. They’re perfect for each other pa naman. Both have ZE LOOKS and both love football and arts kaya HANUNG NANGYARI??

Sad.

Pero narinig/nabasa ko lang naman yung break-up. Hindi ko alam kung totoo. 🙂 Napansin ko lang na medyo active na ulit sa twitter si JYH tapos si Fiona abstract na yung profile picture, hindi na yung picture nila. Napansin ko din na yung mga nirereblog nya sa tumblr is mostly malungkot or something. Siguro may tampuhan lang. 🙂

Echoserang froglet lang talaga ako.

 

Permalink 4 Comments

Vas Sapnin’ Dyanster?

December 17, 2011 at 1:42 am (random) ()

I’m not yet sleepy as I just spent my whole Friday just lying here in my bed, reading some fanfics on tumblr, watching some videos  in youtube, downloading new episodes of my favorite series, flipped few pages of Papertowns (which I still haven’t finished until now), eating, bathroom breaks, etc. So…what happened? lol

As of this moment, kumakain ako ng napakatigas na chicken nuggets. lol. Nasunog ko kasi. Ngayon pa lang ako kumakain ng dinner, 12:30am. Hindi na dapat ako kakain kasi gabi na pero nag-aalburoto na talaga ang tiyan ko. Si pampoo katabi ko, humihilik. Alam nya kasing tulugan time na. Puyat to eh, agang aga naglalaro kanina.

Ganyan talaga si pampoo. Tumatabi sa kama. Pag nakikita nya na matutulog na ako, tatabi na sya. Hahawak yan sa may braso ko, sasandal tapos gagawing unan.  Pa-baby. Hindi sya nakasandal ngayon kasi nagtatype ako. HAHA. Kanina nagtantrums, tinapon yung lagayan nya ng food at water. Wala na palang laman. Hmmp. Spoiled. Eto na po, lalagyan na, Mahal na Prinsesa.

Hindi ko na pipicturan ang sunog na chicken nuggets dahil nakakahiya. HAHA. Yun lang kasi ang available dahil hindi pa ako nakakapag-grocery. Nakakatamad lumabas dahil sobrang lamig. Nasa 10C ata kami ngayon. Nilalakad ko lang kasi papunta dun, mga 15-min walk. Bukas na lang ako bibili. Siguro chicken o hipon. Malamang chicken kasi meron pa akong vegetables sa ref. Sayang naman pag hindi ko pa niluto. Argh. Chicken na naman. Wala naman kasing magandang pork. Mas madami pa ang taba kesa laman. Lugi pa ako sa gintong ibabayad ko. Ang mahal-mahal ng presyo.

Wow ang tigas. Kung hindi lang ako gutom, hindi ko na kakainin tong nuggets na’to.Bago ko naisipang maglagay ng entry ulit dito sa blog, nag-flood ako sa timeline ng followers ko. lol. Naisipan ko lang magtweet ng magtweet kasi may Q&A si Harry Styles. Nagsend ako ng 2 asks. I’m sure naman na hindi nya masasagot yun. Aba naman kasi, mga 10mins pa lang nya ina-aanounce na may Q&A sya, nag-TOP trend WORLDWIDE na kaagad ang #askharry. Siguradong nabomba sya ng mentions. lol. Nagbasa na lang ako sa #askharry tag. Meron akong nakitang tweet dun saying,

Hi @Harry_Styles, just wondering but, do you think you might want to get married to me? I’m free tomorrow? Cheers. By Esme, age 26 #askharry

HAHA. HINDI LANG PALA AKO ANG MAG-ISANG NAGFAFANGIRL sa ganitong edad sa One Direction. lol. Hindi ako nakatiis, nireplyan ko. At yun, finallow nya ako. Finallow ko na din sya kasi nakakahiya pag hindi. hehe. Nalaman ko, RADIO PRESENTER pala sya sa UK. Ay BIGATIN. Akala ko, ordinaryong fangirl. Mala-Delamar pala ang ka-tweet ko.
Nagpatuloy pa ako sa pagtotroll, kung sino-sinong celebrity ang nireplyan ko. Wolo long. Trip-trip. Minsan lang naman.
Ay puts. Ano na namang kailangan ng kapitbahay ko? Alas dos ng madaling araw kumakatok. Syet. Nakakaalibadbad na talaga itong kapitbahay ko. Alam nyo ba, nung lumipat sya jan sa kabila, nirequest ba naman na samahan ko sya gabi-gabi? Samahan ko daw sya hanggang 10pm. Ano ako, babysitter? Tengene. Ok lang sana kung bago pa lang sya dito sa Bahrain, kaso isang taon na eh. Hindi pa sya sanay??? Pumatol nga sya sa matandang Bahraining may asawa tapos ngayon natatakot syang mag-isa sa bahay? OOOPPPS. >__< I’M SO BAD. HAHA Marami pang escapades yung kapitbahay ko. Nakakajirits lang talaga minsan. Nga pala, 24 years old lang sya. Babae. Kayo na lang bahala mag-isip.
Napaka-productive ng Friday ko. Humilata lang ako sa kama buong araw. Pero kasi hinahanap-hanap ko din ‘to. Yung tipong nasa bahay ka lang at walang ginagawa. Buong week kasing nasa work, nakakapagod. Long weekend ngayon sa Bahrain eh, National Day. Eh kapag holiday dito, tatlong araw na kaagad kaya sa Monday pa ako babalik ng office. Parang walang nangyari noh? Kasi natural namang Monday ang balik sa office kung nasa Pinas ka. Heler kasi, Friday lang ang off namen kaya sobrang saya na namin pag wala kaming pasok ng Saturday at Sunday.
Hindi ko alam kung paano tatapusin itong entry na ito. HAHA. Nabwisit kasi ako dito sa kapitbahay ko eh. Madaling araw na kumakatok pa. Bat ayaw nyang tawagan yung boyfriend nyang Arabo. Ay o nga pala, andun sa asawa. HAHA. Ang bad ko lang talaga.

Permalink Leave a Comment

Yey!

December 14, 2011 at 11:36 pm (kras, random) (, , )

GAAAWD! Ngayon ko lang kasi napagtuunan ng pansin ang bagong Youtube kaya ngayon ko lang ito nakita. In-off ko kasi dati yung email notif ng youtube kaya hindi ko ito narereceive. Kanina nung mapabrowse ako sa channel ko, nakita ko may reply yung mga posts ko. Pero hindi ko naman akalain na TOP COMMENT pala si lola mo. HAHA. PERS TAYM eh, pagbigyan na ang kasabawan. Hindi to counted as 1D post, natuwa lang ako.


Permalink Leave a Comment

1D Appreciation Post.

December 10, 2011 at 6:02 pm (kras) (, , , , , , , , , )

This is a very loooong post cos I decided to put all 1D gifs here. My previous posts about them will be all deleted (well, some. hehe). This will be my last post about them.

First up, Louis William Tomlinson. (Louis – Hughey)

This was  from a magazine photoshoot. Yan ang pinakafavorite ko sa lahat ng Louis gif.

Nung buuin sila as group. Nag-audition kasi sila as solos tapos hindi sila natanggap sa Boys Category. Nung tapos na yung selection at pauwi na yung mga natanggal, pinabalik silang lima then ginawa silang group. One Direction. 😛

**Ngayon ko lang narealize, alam ko pala kung anong story behind every 1D gifs. ASDFGHJKL!

Harold Edward Styles (Harry – Barry)

Harry thought his picture was being taken kaya mega-smile nung mapatingin sya sa camera. Video pala. lol.

They’re recording the album here. Ang ganda lang ng mata nya dito. Dreamy.

If i’m not mistaken, this is an album signing or…book signing. Basta signing yan. LOL. Ang bilis nga nilang pumirma, pasa kaagad sa sunod na member yung pinipirmahan.

LOL. Fireworks after dinner. Natawa ako sa expression nya. HAHA.

This is a twitcam sa loob ng X-Factor House. Hindi ko nga alam ginagawa nya. Hindi nagsasalita, nagpapacute lang.

Favorite!! Hindi ko mapigilang tumawa pag nakikita ko’to. Rehearsals nila para sa live show. Bale yung mga dancers yung nagpapractice, naka-vocal rest na sila kaya hindi na sila kumakanta.

Niall James Horan (Nialler – Kyle)

My bby. Ooops. Nahawa na ako sa mga fans nila. LOL. Sya yung favorite ko sa 1D. Kaso hindi ko maalala kung saan galing ang gif na ito! (SHAME on me). Pero fave ko yang gif na yan.

How cute. This was his audition. He sang “So sick” by Neyo.

The interviewer requested for their moody faces in front of the camera. This is the one he delivered. Assssuuu! Pakyot.

His reaction after being called “Dirty Bastard”. AHAHA. Tinanong kasi nung interviewer yung tungkol sa pagiging popular nila sa older ladies (OOOUUCCCHH). Nung minsan daw na andun sya sa isang store, meron daw lumapit sa kanya na babae at binigay yung number at address. Sinabi pa sa kanya na, “Sandali na lang at matatapos na ako sa trabaho ko.” Siguro gusto nung girl na makipagkita sa kanya after work. Bigla sumingit sa interview si Louis at sinabi ang edad nung babae, “She was 72.” Interviewer to Niall: YOU DIRTY BASTARD! (PS: Ang ganda ng laugh nyan. Nakakadala.)

This is somewhere in Europe. (Sweden?) Meron silang tour and i think the fan requested this.

Tour ulit. Sa Germany ata. Informal meeting with their fans. Yung fan na nagvivideo nito, tinanong sya kung pwede syang drowingan sa mukha ng moustache kaso ayaw nya (umiiling di ba?hehe). Then sabi nung fan, sa mukha na lang nya (fan) idrawing ni Niall yung moustache. Ayaw. Parang natakot si Niall kasi nagiging pushy na yung fan, paunti-unti na syang lumalayo pero sumusunod yung fan. Ang ginawa nya, tumakbo palayo. LOL. HAHAHA.

Hmmm. I’m not sure if this is recording or a radio interview.

Liam James Payne (Liam – Ian)

Liam is the Daddy direction. Takot sya sa spoons! HAHA. Ang weird. Tapos nung pinanganak sya, isa lang kidney nya. Both gifs are from the video diaries.

Zayn Jawaad Malik (Zayn – Wayne)

p!@#%, hindi ko makita yung gusto kong gif ni Zayn! GRRR. Eto na lang muna nilagay ko kasi natawa ako sa expression nya. Edit ko na lang pag nakita ko na. I think isa itong promo video nila or ito yung day kung san nalaman nila na Number 1 na yung single nila. (plus si Harry sa right side)

EDIT:

Eto YUN! bahaha! Tawang-tawa ako sa gif na’to eh. Ang weird lang. Rare times na hyper sya. Same nung kay Harry sa taas, fireworks after dinner.

Nakakainsulto ang mukhang ito. Mas maganda pa sya sa kalahati ng populasyon ng kababaihan sa buong mundo. Am i right or am i right?

So yun, last post na’to. Wala na ulit kayong makikitang 1D related posts sa blog na ito. HEHE. Let’s take a moment and admire their beauty. LOL.

Permalink Leave a Comment

Look at this man. He’s so pretty. *_*

December 10, 2011 at 5:50 pm (kras) (, , , , , )

AHAHA. Dati hindi ko maintindihan yung description na “Beautiful Guy”. I thought, pag sinabing beautiful tapos sa lalake ginamit yung description, meaning maganda yung ugali. May breeding kumbaga. Kaso itong si Harry, as in BEAUTIFUL sya. Amazed lang ako. Hindi sya pwedeng idescribe as gwapo o pogi eh. Beautiful at Pretty ang tamang description sa kanya. LOL.

Permalink Leave a Comment

« Previous page · Next page »