Pretend.

January 14, 2012 at 4:42 pm (bahrain life) ()

Ang patitik ko lang.

Ang hirap magpretend ng may ginagawa. ANG HIRAP GUMAWA NG WALA. lol

Natapos ko na kasi kaagad ang trabaho ko. :/ Ahmm, hindi naman talaga tapos, naka-pending lang kasi lahat naghihintay ng reply ng mga concerned citizens. Hindi ko naman magagawa yung sunod na step kung walang approval nila. Tapos kapag nagreply, sabay-sabay. Dun naman ako ngarag kasi kelangan ma-release kaagad. Hay.

Anyways, eto ako ngayon, nagpepretend na may ginagawa. HAHA. Hindi ako makapagbukas ng tumblr dahil nasa likod ko lang ang boss ko. lol. Kaya type na lang ng type ako ng kung ano-ano.

Meron nga palang may birthday ngayon, Jan 14. Isang nakalipas na alaala. HEHE. Yung mga past eh wala na naman sa akin pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanilang mga birthday. Sa sobrang haba ng atensyon na naibigay ko sa mga yun dati eh tumatak na ata sa kalendaryo ko ang kaarawan ng mga yun.

Speaking of past, may isang taong recurring sa aking panaginip. Yun pa yung dati-dati-dati-dati pa. Tipong elementary. LOL. Nawe-weirduhan na nga ako kasi sya lang ang kabukod-tanging (wow deep) lagi kong napapanaginipan. Kung mananaginip ako, lagi syang present. Parang laging may cameo role. Ni hindi na nga kami nag-uusap sa totoong buhay. Hindi ko alam kung maasar ba ako o ano. HEHE.

Parang tanga lang yung entry, kung san-san na pumunta etong mga tina-type ko. HAHA. Uwi nga pala ako ng April 2012 pero hindi pa rin ako nakakapag-paalam. Naghihintay pa ako ng timing, mga tipong bukas. HAHA. Oo, bukas na ako magpa-file ng leave, sana payagan. Sana walang hassle sa bakasyon kasi anniversary nga pala yun ng kaguluhan dito sa Bahrain. Baka topakin na naman ang mga lokal at i-celebrate ang araw na yun, mahirapan ako makabalik. Baka pagbalik ko dito, wala na pala akong trabaho, pasaway pa naman ang mga boss ko.

Permalink Leave a Comment

It hurts you know.

October 10, 2011 at 2:40 pm (bahrain life) (, , )

Sa katunayan nga, kapag tatayo ako ay nararamdaman kong nanginginig ang tuhod ko. Hindi ako makalakad ng ayos at masakit ang mga binti ko at paa. pero alam mo…masarap. Ok lang na masakit kasi masarap naman sa pakiramdam yung ginawa ko.

LOL. Bago pa kung san pumunta yang iniisip mo, lilinawin ko lang na kaya masakit ang kasu-kasuan ko ay dahil naglaro ako ng VOLLEYBALL. (kala nyo ha?) 😀

Tumatanda na talaga si dyanster, nirarayuma na. HAHA. Nabaguhan lang dahil 5 years na ang nakakalipas nung last akong maglaro. Last ko pa nung college tapos mga tamang laro lang with friends na hindi naman nakakapagod. Kahapon kasi was the SFC Singolympics 2011 at since matagal tagal na akong hindi nakakaattend ng mga gathering ng community, eto at nagparamdam ako sa kanila. Dinala ko yung raketa ko ng badminton kasi balak ko lang maglaro-laro ng konti, chika-chika at bonding sa mga new and old members. Kaso I was grouped sa Green Team na aalog-alog. Meaning, WALA KAMING PLAYERS. Oh noes. Wala pa naman ako sa mood sumali sa tournament proper. Pero ayun. *shrugs*

Kailangan pa talagang sumali sa Cheering competition?? LOL. So hayskul. Kaya together with my teammates, we embarrassed ourselves in front of the audience. HAHA. Ehmeyged. Nasampolan sila ng damoves ko.

HanapinNyoAko.com

In fairness naman, sa apat na teams na nagpresent ng cheering eh kami ang pinaka-organized at kakaiba. Dahil mismong kami nagulat kasi meron pa pala kaming surprise number. May mga ka-team nga pala kaming Bounce (dance group ng SFC). Spur of the moment, nagpakitang gilas sa pagbreakdance, pagtumbling, cart wheel, at split yung mga taga Green Team. HAHA. In fairness, sigawan ang crowd..pati kami sa likod. LOL.

After ng nakakahiyang cheering eh sumabak na kaagad kami sa laro. 1st game is between Green Team and Yellow Team. Hindi naman ako magaling, marunong lang ako pero nahiya naman ako sa mga teammates ko kasi sabi nila, isa daw ako sa inaasahan nilang makakapagpapanalo sa team. BINOBOLA NYO NAMAN AKO. Sige na nga. I IZ TATZ.

Pagkatapos ng game, may himalang nangyari. NANALO KAMI. wooohooo! Nasulit naman yung pagkahalik ko sa bola. LOL. Sa tagal na nga ng hindi ko paglalaro ng volleyball, nun lang time na yun ako nakahalik ng bola. Nagkamali ako ng kalkulasyon sa pagtira, nag-slip sa braso ko. Buti na lang friendly game lang yun. Natawagan sana ako ng double. HAHA

Since 4 teams lang naman ang naglalaban, umabot kami sa Championship. AHIHI. Magaling yung Red Team kasi yung isa dun is naglalaro talaga at sumasali sa mga tournament kaya kahit hindi pa nagsisimula ang game ay alam ko na ang result. Lalaro pa rin kami kahit 2nd na kami fo sho. Matagal na kaming naghihintay sa court pero hindi pa dumadating ang Red Team. Pinagdadasal ko na ma-default sila. AHAHA. BAD. Pero hindi naman nagtagal at dumating na sila. HINDI KO NAKIKITA ANG KANILANG STAR PLAYERRR. Umuwi na daw pala. YEHEY. May pag-asa pala kami.

To make the story short, NANALO ULIT KAMI. wooohooo! Championszz. Nakakaasar lang kasi hindi namin alam ang standing. Mantakin mo kasing hindi nag-awarding??? Wala na daw kasing time at hanggang 3pm lang daw ang bayad sa gym kaya sa SFC assembly na lang daw iaannounce yung ranking. HANUBAYUN. Hindi man lang ako makakapagpapicture sa trophy. Azur. First time ko pa namang maka-championzz.

Ayun lang. Sa paulit-ulit kong routine eh nagkaroon ako ng time para mag-enjoy. Nakapaglaro pa ako at sabi ko nga, kahit masakit ang mga kalamnan ko ngayon eh masaya pa rin. Na-miss ko yung ganitong pagod. Feeling ko nawala mga taba ko. I feel SEXAAY! AHAHA.

Permalink Leave a Comment

Naghahapit?

September 13, 2011 at 6:15 pm (#7 james younghusband, azkals, bahrain life, misagh bahadoran, simon clive greatwich) (, , , , , , , )

Hindi naman. Medyo lang.

7 entries lang pala nasulat ko last month? ahurhur. Wala naman kasing kapana-panabik na nangyari sa akin last month. At yung sanang Azkals experience ko (Crushes Edition) lols eh inamag na sa drafts folder ko. Binura ko na lang. Basta nakita ko si Misagh, James YH at Simon nung bumisita sila dito. Kwento ko na nga lang briefly.

Kay Simon, hindi sya masyadong nakihalubilo sa fans nya. Ewan. May toyo. Nagpasorry sya dati sa twitter kasi nga sa lahat ng players, sya yung medyo hindi nag-sstay ng matagal para sa fans. Well, pati rin naman si Paolo Pascual pero nabasa ko sa tweet dati ni Paolo nun is may sakit sya kaya aloof sya nun.  Si Simon talaga yung medyo wala sa mood. Siguro dahil konti lang ang time na nakapaglaro sya.

Si James YH, hanggwapo lang. Good-boy looking masyado. Saludo ako sa patience nya sa mga fans kasi beside kay Phil, sya yung talagang dinudumog. Hindi na ako masyadong lumapit dahil baka ma-stampede pa ako ng mga fangirls nya.  HAHA. Pero nung tumapat sya sa amin, nag-shake hands lang kami tapos binigyan nya ako ng kanyang signature half-smile. Ayiiiie!!

Tapos si Misagh na. Wala namang masyadong nangyari, NAAKBAYAN ko lang naman sya. NO BIG DEAL. REALLY. :3 HAHA! Well, hindi naman akbay. Nakahawak sa shoulder. Mga 1 minute. 😀 AJUJUJUJU!! Habang kasi pumipirma sya ng autograph eh eksaktong sa tapat ko sya tumigil. Eh ano pa bang gagawin ko, GRAB THAT F*CKING OPPORTUNITY!! Dami kasi nagpapapirma. Kaya the whole time, nakahawak ako sa shoulder nya (Para-paraan…). Pero hindi ko masyadong nakita ang eyes nya. Gabi kasi after ng game. \laslas

Sa lahat ng Azkals lalo na yung tatlo sa taas, hindi ako nakapag/nagpapicture. Mas ginusto kong makausap at ma-shake hands sila kesa humingi ng picture. Kasi sa dami ng fangirls na nakapalibot sa kanila, ayokong sayangin ang opportunity para humingi lang ng magandang picture. Mas mahalaga sa akin yung makita ko talaga sila (at mahawakan..para ma-test kung hindi ba ako nananiginip at kaharap ko talaga sila. LOL) at makakwentuhan kahit mga 10 seconds lang.  Na-starsturck din ako kay Manong Chieffy. Sobrang galing nya lang.Sa buong duration ng stay nila dito sa Bahrain, sya lang ang umiskor sa dalawa nilang games.

Mukha talaga kaming mga jologs dahil fangirl na fangirl talaga kami kasi kahit sa hotel, tinoyo kaming i-stalk sila. Harhar. Yun nga lang, hindi pala nila schedule mag-dinner sa hotel, mag-dinner sila kasama nung Shaikh. \laslas Umuwi kaming bigo. T___T

 

Permalink Leave a Comment

wut?? azkals in bahrain?? :)

July 11, 2011 at 6:24 pm (#7 james younghusband, azkals, bahrain life, misagh bahadoran, simon clive greatwich) (, , , , )

hindi ako makapaniwala na ang sinasabi kong “never in a million years” sa post na ito ay aabutin lang pala ng 5 months. 😛

yez mah dear, James Younghusband and the rest of the team will visit me here in Bahrain.

lol! ang saya lang eh. siguro ang bait ko kaya pinagbigyan ako ni Lord na mameet si JYH. ho ho! 😛 hindi pa nakontento, sinama pa ang buong team. at pag sinabing buong team, kasama din si Misagh BahadoranFHGLAFGALGAKLAL! at sana pati si Simon Greatwich *cross fingers*. naku naman, ang init-init na nga sa Bahrain kasi simula na ng summer, paiinitin pa lalo ng mga players na’to. HEAT STROKE NA KAMI PANIGURADO.

as we all know, pasok na sila sa 2nd round at ang makakalaban nila is Kuwait. kahit hindi pa sila nakakalaro sa home game against Sri Lanka,  sure na yung pag-visit nila dito, win or lose. meron din kasing pinaghahandaan na laban ang Olympic Football Team ng Bahrain at ang napili nilang maka-practice game ay ang Azkals. Eksakto naman na nag-advance ang Azkals sa 2nd round so pareho silang magbe-benefit sa friendly game na yon. isabay mo pa na maagang mafafamiliarize ang Azkals sa current weather ng Middle East which is ang super hot and humid summer.

ano ba ang SUPER HOT AND HUMID SUMMER sa Middle East?

eto lang naman ang time na mahirap huminga pag lalabas ka ng bahay kasi konti lang ang oxygen. eto din ung time na bagsak presyo ang lotion. baket? i-try mong mag-lotion tapos labas ka under the scorching heat, para kang matutunaw dahil malagkit sa balat. kadirdir feeling. walang ubra ang sombrero, payong at kung anumang itakip mo sa’yo dahil tatagos pa rin ang init. ang sakit lang sa balat. wala ding patayan ng aircon sa buong araw. ung tipo din na kaliligo mo lang, pawisan ka na kaagad. malas pag inabutan ka ng mga 10am hanggang 12pm na kelangan mong maligo. asahan mong para kang nilalaga dahil sa sobrang init ng tubig. kaya ung mga buhok namin dito, puro dry pagdating ng summer, huhu 😦

pero buti na lang at ni-set ang game nila ng 7pm. kahit papaano eh hindi na ganon kainit. pero kahapon lang nung pauwi ako from work, humid na. hindi nga mainit pero humid naman, mahirap pa ding huminga. sana maka-adjust kaagad ang Azkals lalo na’t ang physical pa naman ng larong football. sana hindi sila ma-dehydrate habang tumatakbo-takbo. isa pa ding advantage ng paglalaro nila dito sa Bahrain, pareho sila ng oras sa Kuwait. 1 hr travel by plane lang ang Kuwait from Bahrain, hindi na sila mapapagod sa byahe.

anyways, thru konek-koneksyon here, i got a chance to get exclusive tickets for the Azkals dinner. ASAHSADGLAFGL! yez, DINNER WITH THE AZKALS baby! 🙂 nai-stress na nga ako kung anong susuotin ko eh. LOLJK! sabihin ng mababaw pero DUH! imma girl pa din kaya. 😛 eto ung rare times na mas malakas ung pambabaeng hormones ko kesa panlalake. haha naiisip ko na nga kung anong gagawin ko eh:

1. pic/autograph from my favorite Azkals: JYH, MISAGH, SIMON (kung kasama sya).

2. pic/handshake with: JASON, EL CAPITAN, ANTON, ROB, NATE, and rest of the half-pinoys.

3. pic/kwentuhan with: MANONG CHIEFFY!, ARANETA, BECITE, SACAPANO, and rest of the grassroots! 😀

4. pic with the men behind the Azkals: COACH WEISS, ACE BRIGHT and the rest of the team.

hindi naman ako masyadong bwakaw ng lagay na yan??? haha AKO NA. AKO NA ANG EPAL. kahit magawa ko lang ang #1 at pic/handshake si manong chieffy, ok na ako. tapos kahit hindi ako kasama sa pic ng #2,3,4, basta mapicturan ko silang lahat. ilalabas ko lahat ng nalalaman ko sa diskarte ng pagiging fangirl, haha

PERO…….

SUBALIT…..

DATAPWAT…..

ANG GULO GULO NG SCHEDULE NUNG DINNER!!!! WAAAAAH!!

sabi july 14 daw, ung mismong dating ng azkals dito sa bahrain. yun ung nasa tiket eh. tapos naging july 15. ngayon naman, july 16, after ng practice game nila against Olympic team.

HANUUU BAA TAALAAGAA??

mamya nyan, mamiss ko ung dinner. 😦 ang masaklap pa pag inesked nila na may pasok ako. 😦 sana umayos na ung organizing committee. SAYANG UNG EFFORT AND EXCITEMENT KO PAG NAGKATAON. :/

 

 

Permalink 2 Comments

hilow! i’m beck.

April 20, 2011 at 12:40 pm (bahrain life) (, , , )

as in back, not my fave rakenrol anime, hihi nagmamaarte.

whew, after 2 weeks, dito na ulit ako. pero quick post lang. :/ busy pa din kasi. tapos wala pa kaming inernet sa bahay, kakalipat lang ulit namin for the 6th time. ako na, AKO NA ang nag-aaverage ng dalawang bahay sa isang taon, hehe hindi naman mapigilan dahil tumatakbo ang panahon. may iba’t ibang reason kung bakit ako lumipat.

1st flat. unang dating ko sa bahrain. apat kami sa bahay and we’re staying in a one bedroom flat. di kami kasya so we look for a 2-bedroom flat.

2nd flat. no AC sa sala and exhaust lang sa kitchen. thought we’re ok at first kasi meron namang AC sa bedrooms pero nung dumating ang summer, shetness. parang kapitbahay namin ang impyerno.

3rd flat. katabing building in 2nd flat. super spacious ang bedrooms and very ok. though la pa din AC ang kitchen, malaki naman. un nga lang, my room mate went to Pinas for good and i was left with a whooping Php16K rent per month. NO-NO.

4th flat. natatawa ako sa flat na’to at naasar sa inhinyerong gumawa. walang balance. kung anong laki ng isang bedroom, sya namang liit nung isa. ung size nung maliit, 1/4 lang sa size nung malaki. tapos ung sala, wahaha. un na ang kumain ng buong flat. sana un na lang ang bedroom namin. pero kahit ganun, ayus naman, super secure ng building at maganda. amin ang buong ground floor, bebi. pag may party, samin lagi ang venue dahil sa *big voice* SALAAA. 3 kami dun nag-sstay kaso umuwi na naman ang isa sa pinas at naiwan kami ng kasama ko ng may tig-Php16K ulit. NO-NO na naman.

5th flat. dalawa na lang kami at super kelangan namin humanap ng murang flat. ang pinakamura naming nakita is nasa 2nd floor with no lift (elevator). *and what i mean sa 2nd floor, naka-include ung ground floor. so bale 3 floors ung akyat-baba ko*. ok, sige lang, 4x akong mag-aakyat baba sa stairs everyday, exercise na lang yun. so baket kami lumipat? ang linis kasi ng mga kapitbahay namin. ung basura nila, nilalagay nila sa hallway. tapos may mga stray cats na nakakapasok hanggang floor namin at nag-iiwan ng alaala. then may nagtayo ng restaurant sa ground floor na super ang lilinis din. no choice naman kami kasi dadaanan muna namin sila bago makapunta ng floor namin. hindi na namin ma-take ang kanilang kalinisan kaya kami nagbabay na lang.

6th flat. dito na kami nakatira. 2 AC. hanglameeg lang. wala pa ung pinakasummer sa bahrain kaya ceiling fan lang gamit namin ngayon. one week pa lang kami pero meron na naman akong nakikitang glitch! shet. pero tumibok ung puso ko dito sa flat na’to nung icheck namin. hindi ko alam kung bakit naman kung kelan andun na kami, eh nakakaramdam ako ng ganito. wew. pero sige, tingnan natin sa mga susunod na araw.

ang haba ng quick post ko, haha napakwento na eh. sige. musta-post lang naman eto. tambak pa work ko pero mayang hapon ko na lang gagawin, haha ganyan ako ka-sipag.

*walang kinalaman ung gif. haha! lab SIMON!!!*

Permalink Leave a Comment

Next page »