March 23, 2013 at 10:20 pm (dyanster) (, , , , , , )

OH NOESSSSSSSSImage

VUHKETTT?? WACHAPENED???

lol hala ok seryoso na.

After 9 months nagbabalik ako. Kung siguro preggy ako nung umalis, nanganak na siguro ako haha pero hindi nga nagulat ako nung na-check ko ung formpsring. Kalungkot lang. Masaya namang gamitin, natalo siguro nung..ano nga ba yun, ask.fm? Sa formspring ko ako pinakamadali ma-reach kapag may tanong tungkol sa azkals.

ahhh those were the days.

Yun yung panahong ang dami kong alam sa azkals. Kaso kinain na ako ng trabaho, obligasyon at katamaran kaya ang pagba-blog ay naiwanan sandali. Magtatatlong taon na pala ‘to ng hindi ko namamalayan. Nakakatuwa naman na kahit papaano may bumibisita kahit 1 o 2 sa isang araw. Ayus na yun, ako nga hindi ko mabisita eh hehe

So anong ganap?

Wala namang pangyayaring kakaiba, ganon pa rin. Sa madaling salita, bored na ako. Pare-pareho na lang ginagawa ko sa araw-araw. Gigising ng alas-syete,pasok sa trabaho, kain ng tanghalian, tulog (o internet, may 4 hours kaming break), trabaho ulit hanggang alas syete ng gabi, uwi ng bahay, nuod ng series, tulog. Repeat until fade. Ganyan ka-boring ang life ni Dyanster at magli-limang taon ko na yang ginagawa. Tinatamad na talaga ako.

Uwi ba akong Pinas? Anong gagawin ko dun, wala namang trabaho para sa akin dahil..ehem nirarayuma na ako lol De..”bata” pa naman ako eh pero sa edad ko hirap na kaagad maghanap kung sa Pinas maghahanap ng work kasi mas preferred nila ang bata dahil “hindi pa marunong magreklamo tungkol sa sweldo etc.”

Malakas ang piso, nahihirapan na kaming mga OFW na makapagpadala. Dati magpadala lang ako ng BHD 100 every month (Php10K+) ok na. Ngayon, kelangan na naming i-cut down ang ibang necessities para makabuo ng Php 10K na ipapadala. Ung dating 100 BHD, nasa 110-120 BHD na. Malaki na ung BHD 20 ha, sa aming mga OFW, pangkain na namin un ng 2 weeks. De-lata diet ganon. 

Ang nakakainis lang, ke mapa-Pinas o andito sa abroad, pareho lang. Pareho lang ang hirap ng buhay. Malakas nga ang piso, hindi naman ramdam ng mga nasa Pinas kasi “nakuha” na ng mga nasa taas. Ng mga buwaya este basta yung mga nakakuha. Kaya hay naku ah ewan.

Anyways, wala namang katuturan tong mga pinagtatype ko, frustrated lang kasi wala akong maisip na bagong direksyon (except One Direction lol FCK OFF fan ako haha) Ibig kong sabihin nasa process ako ng pag-iisip kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.

Balitaan ko na lang ulit kayo kung anong mangyayari.

OKTNXBYE.

Permalink 2 Comments

hello!

June 21, 2012 at 10:52 pm (dyanster) ()

I felt the need to revive this blog. When was the last time i posted something? I cant remember. haha And uhm..there will be changes. Just a tiny teeny bit.

Permalink Leave a Comment

HOLY MOTHER OF UNICORNS!

February 12, 2012 at 11:17 pm (dyanster) (, )

My WP blog is in the Top Blogs of the Day List! WUTTTTT?? All my posts were just nonsense sh*tss so HOW COME?

and 33rd RANK?? SRSLY?? I should be at the bottom of that list, not #33..

Adik ata yung mga nag-rank neto. Nakahithit. lol Pero marami pong salamat. Teng-ene. Nahiya naman daw ako.

..and the tears stream down my face

pucha, salamat talaga sa mga nagtatyagang magbasa.

Permalink 2 Comments

Pretend.

January 14, 2012 at 4:42 pm (bahrain life) ()

Ang patitik ko lang.

Ang hirap magpretend ng may ginagawa. ANG HIRAP GUMAWA NG WALA. lol

Natapos ko na kasi kaagad ang trabaho ko. :/ Ahmm, hindi naman talaga tapos, naka-pending lang kasi lahat naghihintay ng reply ng mga concerned citizens. Hindi ko naman magagawa yung sunod na step kung walang approval nila. Tapos kapag nagreply, sabay-sabay. Dun naman ako ngarag kasi kelangan ma-release kaagad. Hay.

Anyways, eto ako ngayon, nagpepretend na may ginagawa. HAHA. Hindi ako makapagbukas ng tumblr dahil nasa likod ko lang ang boss ko. lol. Kaya type na lang ng type ako ng kung ano-ano.

Meron nga palang may birthday ngayon, Jan 14. Isang nakalipas na alaala. HEHE. Yung mga past eh wala na naman sa akin pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanilang mga birthday. Sa sobrang haba ng atensyon na naibigay ko sa mga yun dati eh tumatak na ata sa kalendaryo ko ang kaarawan ng mga yun.

Speaking of past, may isang taong recurring sa aking panaginip. Yun pa yung dati-dati-dati-dati pa. Tipong elementary. LOL. Nawe-weirduhan na nga ako kasi sya lang ang kabukod-tanging (wow deep) lagi kong napapanaginipan. Kung mananaginip ako, lagi syang present. Parang laging may cameo role. Ni hindi na nga kami nag-uusap sa totoong buhay. Hindi ko alam kung maasar ba ako o ano. HEHE.

Parang tanga lang yung entry, kung san-san na pumunta etong mga tina-type ko. HAHA. Uwi nga pala ako ng April 2012 pero hindi pa rin ako nakakapag-paalam. Naghihintay pa ako ng timing, mga tipong bukas. HAHA. Oo, bukas na ako magpa-file ng leave, sana payagan. Sana walang hassle sa bakasyon kasi anniversary nga pala yun ng kaguluhan dito sa Bahrain. Baka topakin na naman ang mga lokal at i-celebrate ang araw na yun, mahirapan ako makabalik. Baka pagbalik ko dito, wala na pala akong trabaho, pasaway pa naman ang mga boss ko.

Permalink Leave a Comment

It hurts you know.

October 10, 2011 at 2:40 pm (bahrain life) (, , )

Sa katunayan nga, kapag tatayo ako ay nararamdaman kong nanginginig ang tuhod ko. Hindi ako makalakad ng ayos at masakit ang mga binti ko at paa. pero alam mo…masarap. Ok lang na masakit kasi masarap naman sa pakiramdam yung ginawa ko.

LOL. Bago pa kung san pumunta yang iniisip mo, lilinawin ko lang na kaya masakit ang kasu-kasuan ko ay dahil naglaro ako ng VOLLEYBALL. (kala nyo ha?) 😀

Tumatanda na talaga si dyanster, nirarayuma na. HAHA. Nabaguhan lang dahil 5 years na ang nakakalipas nung last akong maglaro. Last ko pa nung college tapos mga tamang laro lang with friends na hindi naman nakakapagod. Kahapon kasi was the SFC Singolympics 2011 at since matagal tagal na akong hindi nakakaattend ng mga gathering ng community, eto at nagparamdam ako sa kanila. Dinala ko yung raketa ko ng badminton kasi balak ko lang maglaro-laro ng konti, chika-chika at bonding sa mga new and old members. Kaso I was grouped sa Green Team na aalog-alog. Meaning, WALA KAMING PLAYERS. Oh noes. Wala pa naman ako sa mood sumali sa tournament proper. Pero ayun. *shrugs*

Kailangan pa talagang sumali sa Cheering competition?? LOL. So hayskul. Kaya together with my teammates, we embarrassed ourselves in front of the audience. HAHA. Ehmeyged. Nasampolan sila ng damoves ko.

HanapinNyoAko.com

In fairness naman, sa apat na teams na nagpresent ng cheering eh kami ang pinaka-organized at kakaiba. Dahil mismong kami nagulat kasi meron pa pala kaming surprise number. May mga ka-team nga pala kaming Bounce (dance group ng SFC). Spur of the moment, nagpakitang gilas sa pagbreakdance, pagtumbling, cart wheel, at split yung mga taga Green Team. HAHA. In fairness, sigawan ang crowd..pati kami sa likod. LOL.

After ng nakakahiyang cheering eh sumabak na kaagad kami sa laro. 1st game is between Green Team and Yellow Team. Hindi naman ako magaling, marunong lang ako pero nahiya naman ako sa mga teammates ko kasi sabi nila, isa daw ako sa inaasahan nilang makakapagpapanalo sa team. BINOBOLA NYO NAMAN AKO. Sige na nga. I IZ TATZ.

Pagkatapos ng game, may himalang nangyari. NANALO KAMI. wooohooo! Nasulit naman yung pagkahalik ko sa bola. LOL. Sa tagal na nga ng hindi ko paglalaro ng volleyball, nun lang time na yun ako nakahalik ng bola. Nagkamali ako ng kalkulasyon sa pagtira, nag-slip sa braso ko. Buti na lang friendly game lang yun. Natawagan sana ako ng double. HAHA

Since 4 teams lang naman ang naglalaban, umabot kami sa Championship. AHIHI. Magaling yung Red Team kasi yung isa dun is naglalaro talaga at sumasali sa mga tournament kaya kahit hindi pa nagsisimula ang game ay alam ko na ang result. Lalaro pa rin kami kahit 2nd na kami fo sho. Matagal na kaming naghihintay sa court pero hindi pa dumadating ang Red Team. Pinagdadasal ko na ma-default sila. AHAHA. BAD. Pero hindi naman nagtagal at dumating na sila. HINDI KO NAKIKITA ANG KANILANG STAR PLAYERRR. Umuwi na daw pala. YEHEY. May pag-asa pala kami.

To make the story short, NANALO ULIT KAMI. wooohooo! Championszz. Nakakaasar lang kasi hindi namin alam ang standing. Mantakin mo kasing hindi nag-awarding??? Wala na daw kasing time at hanggang 3pm lang daw ang bayad sa gym kaya sa SFC assembly na lang daw iaannounce yung ranking. HANUBAYUN. Hindi man lang ako makakapagpapicture sa trophy. Azur. First time ko pa namang maka-championzz.

Ayun lang. Sa paulit-ulit kong routine eh nagkaroon ako ng time para mag-enjoy. Nakapaglaro pa ako at sabi ko nga, kahit masakit ang mga kalamnan ko ngayon eh masaya pa rin. Na-miss ko yung ganitong pagod. Feeling ko nawala mga taba ko. I feel SEXAAY! AHAHA.

Permalink Leave a Comment

Next page »