Pretend.

January 14, 2012 at 4:42 pm (bahrain life) ()

Ang patitik ko lang.

Ang hirap magpretend ng may ginagawa. ANG HIRAP GUMAWA NG WALA. lol

Natapos ko na kasi kaagad ang trabaho ko. :/ Ahmm, hindi naman talaga tapos, naka-pending lang kasi lahat naghihintay ng reply ng mga concerned citizens. Hindi ko naman magagawa yung sunod na step kung walang approval nila. Tapos kapag nagreply, sabay-sabay. Dun naman ako ngarag kasi kelangan ma-release kaagad. Hay.

Anyways, eto ako ngayon, nagpepretend na may ginagawa. HAHA. Hindi ako makapagbukas ng tumblr dahil nasa likod ko lang ang boss ko. lol. Kaya type na lang ng type ako ng kung ano-ano.

Meron nga palang may birthday ngayon, Jan 14. Isang nakalipas na alaala. HEHE. Yung mga past eh wala na naman sa akin pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanilang mga birthday. Sa sobrang haba ng atensyon na naibigay ko sa mga yun dati eh tumatak na ata sa kalendaryo ko ang kaarawan ng mga yun.

Speaking of past, may isang taong recurring sa aking panaginip. Yun pa yung dati-dati-dati-dati pa. Tipong elementary. LOL. Nawe-weirduhan na nga ako kasi sya lang ang kabukod-tanging (wow deep) lagi kong napapanaginipan. Kung mananaginip ako, lagi syang present. Parang laging may cameo role. Ni hindi na nga kami nag-uusap sa totoong buhay. Hindi ko alam kung maasar ba ako o ano. HEHE.

Parang tanga lang yung entry, kung san-san na pumunta etong mga tina-type ko. HAHA. Uwi nga pala ako ng April 2012 pero hindi pa rin ako nakakapag-paalam. Naghihintay pa ako ng timing, mga tipong bukas. HAHA. Oo, bukas na ako magpa-file ng leave, sana payagan. Sana walang hassle sa bakasyon kasi anniversary nga pala yun ng kaguluhan dito sa Bahrain. Baka topakin na naman ang mga lokal at i-celebrate ang araw na yun, mahirapan ako makabalik. Baka pagbalik ko dito, wala na pala akong trabaho, pasaway pa naman ang mga boss ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: